• Ang Kasaysayan nina Ruth at Philip Lazowski

  • Feb 1 2024
  • Durée: 18 min
  • Podcast

Ang Kasaysayan nina Ruth at Philip Lazowski

  • Résumé

  • This next story is about the amazing story of Ruth and Philip; about how they survived the genocide that marked them and how their lives got interwoven with each other from an encounter that determined their fate and future.

    Ang susunod na kuwento ay hango sa nailathalang mga kuwentong pag-ibig sa panahon ng holocaust na inilathala ng momentmag.com noong Hunyo ng 2005. Para sa ating podcast, sa season 5, pang 21 na Episode, itong pangalawang bahagi ng kuwento hinggil sa LUHA, PAGDURUSA, PAG-IBIG AT PAG-ASA ay ang kasaysayan nina PHILIP AT RUTH LAZOWSKI.

    Isinilang si Philip Lazowski noong ika TRESE (13) ng Hulyo, (1930) sa Bielica sa bahaging Norte ng Poland. Bayan ito ng mga mangingisda, mangangaso atmagsasaka. Noong 1939 bumibilang noon ang mga mamamayan doon ng I(1800) at 600 sa kanila ang Lahing Hudyo.

    Noong unang araw ng Setyembre, dumating ang mga Ruso sa Poland at sinakop nila ang Bielica hanggang (1941). Ngunit pinagtuunan ng mga Aleman ang Bielica bagaman maliit lamang na bayan ito.

    Ito ay dahil tatlo sa mga pangunahing landas ang dumadaan dito at dahil isa pa, malapit ito sa paliparan ng mga eroplano. Noong Hunyo ng 1941), dumating ang mga Aleman at pinagwawasak at pinagsisira nila ang tahanan at mga ari-arian ng pamilyang Lazowski.

    Subalit nanatili ang mag- anak sa bayan. Nakitira sila sa bahay ng impong ni Philip at mayroon pa silang kasamang dalawa pang pamilya roon.

    Noong ika a-DIYES (10) ng Nobyembre, binilin ang mga Hudyong mamamayan na umalis sa mga sandaling iyon. Kaagad na nag-impake ang pamilya ni Philip at pumunta sila sa ghetto ng Zhetel. Ang ghetto ng Zhetel na kilala din sa pangalan noon na Dyatlovo ay nasa bandang Kanluran ng Poland at tinatawag na ngayon na bayan ng Belarus.

    Noong Abril ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y DOS, sinimulan ng mga Aleman ang pagtitipun-tipon nila sa mga tao na lahing Hudyo.

    Nagsagawa sila ng dalawang grupo at klinase nila ang mga tao sa dalawa. Isang grupo ang para sa mga taong may kakayanang magtrabaho. Isang grupo ang para sa mga hindi makapagtrabaho. Sa isang pagkakataon habang naisasagawa ang pamimili, siya ang nagsara doon sa taguan sa kanilang tahanan.

    Ang taguan na iyon ay sumukat noon ng pitong talampakan sa lawak at walong talampakan ang kakitiran at doon ang pinagtaguan ng kanyang mga magulang at mga nakababatang mga kapatid habang siya ay nasa palengkehan sa bayan nakung saan ay doon isinasagawa ang pamimili at pagkalase-klase sa mga tao. Nahuli ng isang sundalong Aleman si Philip at dinala ito sa palengke ng Zhetel.

    Habang siya’y naroon, nagmasid si Philip at napagtanto niya ang katuturan ng ginagawang pamimili ng mga Aleman. Sa kanyang kaliwa, doon napapapunta ang mga nars, doktor, sapatero, karpintero - mga Hudyo na malalakas at malulusog..

    Sa kabilang dako sa bandang kanan niya, doon napapunta ang mga maliliit na mga bata at mga matatanda. Alam ni Philip na marahil ay hindi siya maaring mapapunta sa lupon ng mga malalakas sa kanyang bandang kaliwa..

    Listen to the podcast for the full story.

    Voir plus Voir moins
activate_Holiday_promo_in_buybox_DT_T2

Ce que les auditeurs disent de Ang Kasaysayan nina Ruth at Philip Lazowski

Moyenne des évaluations de clients

Évaluations – Cliquez sur les onglets pour changer la source des évaluations.