Kung isipin ang karahasang nangyari sa pagsalakay ng mga Hapon noong panahon ng digmaan sa mga kuta ng Panig ng Alyansa, na wala noong kahanda-handa, mahirap mapaniwalaan na mayroong mga mandirigmang Hapon na maydamdaming pakikiramay o mayroong awa na makatao sa kapwa.
Subalit si Saburo Sakai, na isa sa mga pinakamagaling na pilotong mandirigmang Hapon ay may dakilang kalooban. Masasabi na si Saburo Sakai ay siyang pinakamagiting na Hapon na piloto noong Pangalawang Digmaang Pandaigdigan. Sa laon ng panahon ng digmaan na siya’y nanilbihan sa kanyang bayan, umabot sa animnapu’t apat (64) na mga eroplano ng Alyansa ang Ipinanganak si Saburo sa lugar na nagngangalang Saga at galing siya sa lahing Samurai. Subalit pagsasaka ng lupain ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya.
Naulila siya sa ama noong siya’y labing isang taong gulang. Sumanib siya sa Armadang Hapon noong labing anim na taong gulang siya. Noong nakapagtapos siya doon, gumanap siyang “turret gunner” at humawak siya ng baril doon sa bapor na pandirigma na Kirishima.
Noong siya’y nagkaedad ng labing siyam, umalis siya sa armada at nagpalista siya sa programa ng sanayan ng pagpi-piloto. .Noong nagtapos siya ng pagka-piloto, siya ang may pinakamataas na grado at niregaluhan siya ni Emperador Showa ng relos na pilak.
Taon nang (1938), kasalukuyan noon ang pag-lalabanan ng Hapon at Tsina. Naatasan si Sakai na magpalipad ng A5M Navy Type 96 fighter. (1939), mayroon siyang pinabagsak na eroplano na DB-3 Bomber ng mga Ruso na gamit nila sa pagbomba.
Noong (1940), siya ang isa sa mga naunang pinahawak ng bagong eroplano na A6M Zero fighter na panlaban sa mga Tsino. Noong (1941), kabilang siya noon sa grupo na Tainan ng mga abyador na nakadestino sa Taiwan. Mula sa kampo nilang iyon, nagpalipad siya ng 45 A6M Zero fighter na pangontra ng puwersang Hapon laban sa Clark Airfield ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Pakinggan ang buong kuwento at alamin ang ginawang kakaiba na Saburo Sakai.