It was May 9 1945 in Europe people took to once shunned streets to rejoice at the declaration that the war was finally over. The following year, in the East, the Allies declared victory putting a full end to the biggest man-caused wastage of human lives in history - World War 2. Opponents surrendered, some of those ordered to surrender preferred giving up their lives in their own terms. Others did not know and remained in hiding for a few more months. A few remained in hiding - not believing or knowing that the battle has been declared over. This is a story of one of those who kept in hiding in the jungle for years.
Nagtapos na ang Pangalawang Digmaang Pang-sandaigdigan.. Subalit mayroong mga sundalong Hapon na hindi nakakaalam at kung nababalitaan man nila, tinatanggihan nilang paniwalaan na tapos na ang digmaan. Ilang dekada ang dumaan na nagpatuloy silang patago-tago sa mga masusukal na mga kagubatan. Sa tatlong huling ‘hold-out’ ng sundalong Hapon sa digmaan, nauna si Shoichi Yokoi na lumabas mula sa kanyang pinagtatagu-an sa isla ng Guam. Sumunod si Onoda na lumabas naman mula sa isla ng Lubang sa Mindoro. Ang kahuli-hulian ay si Teruo Nakamura, sundalong tubong Taiwan na nanilbihan sa militar ng Hapon sa digmaan. Natuklasan siya noong nagtatanimna nag-iisa sa isang isla na tinawag na Morotai sa Indonesia noong Disyembre ng 1974.
Pagkatapos bumalik ang mga Amerikano sa isla ng Guam at binawi ito mula sa kamay ng mga Hapon noong Agosto, 1944, humigit- kumulang sa LIMANG LIBO (5000) na sundalong Hapon ang tumutol na sumuko sa Alyansa. Karamihan sa kanila ang nagpatuloy na tumatakas at nagtatago dahil kahihiyan nilang lubos na sila ay mabihag at maging bilanggo ng digmaan.
Kadamihan sa mga sundalong Hapon na ito ang tumakbo upang magtago ay napatay o nahuli ng mga sundalong Alyansa sa laon ng ilang buwan. Isang daan at tatlumpo ang mga naiwan na nagtatago noong dumating ang buwan ng Setyembre ng 1945).
Isa sa mga nanatili sa kagubatan si Yokoi at namuhay siya doon hanggang 1972. Nagtago noon si Yokoi kasama ng siyam na kapwa sundalong Hapon. Pito sa kanila ang lumayo at humiwalay at hindi nagtagal ay naging tatlo na lamang sina Yoichi na naiwan s rehiyon na iyon. Sumunod na naghiwa-hiwalay ang mga natirang tatlo bagaman noong 1964, malimit sila noong nagtatagpo at nagbibisititahan sa bawat isa.
Noong 1964 hindi naligtasan ng dalawang kasama ni Yokoi ang dumating na malaking baha na siyang kinamatayan ng dalawang kasama niya. Sa sumunod na walong taon, nag-iisang namuhay si Yokoi. Nangaso siya kapag gabi at ito ang kanyang ikinabuhay. Gumamit siya ng mga halaman na ginawa niyang damit , kumot at mga kasangkapan. Itinago niya ang mga ito sa kuweba na ginawa niyang tirahan.
Listen to the the podcast for the story in full in Tagalog.