Teruo Nakamura was the indigenous Formosan Japanese war soldier who survived the war and post war years in the jungle not aware that the war has ended. And when he was found, he would find his status in limbo - presumed dead he was stateless, homeless and would find his family under new identity.
Private Teruo Nakamura (Amis: Attun Palalin), an Amis aborigine from Taiwan and member of the Takasago Volunteers, was discovered by the Indonesian Air Force on Morotai, and surrendered to a search patrol on December 18, 1974. Nakamura, who spoke neither Japanese nor Chinese, was the last confirmed holdout.
Si Teruo Nakamura ang pinakahuling sundalong Hapon na sumuko noong nagtapos ang Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan. Siya’y nakadestino noon sa isla ng Morotai na bahagi ng Indonesia.
Si Nakamura ay tubong galing sa tribu na Amis Pangcah ng isla ng Formosa. Ang Formosa ay siya nang kilalang Taiwan sa kasalukuyang panahon. Sa mga panahong iyon ng digmaan, Hapon noon ang namamahala sa Formosa.
Naipanganak si Nakamura noong taong MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y NUEBE at nakapasok siya sa Takasago Voluntary Unit na puwersa ng Hapon noong Nobyembre ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y TRES (1943). Napadala siya sa isla ng Morotai na bahagi noon ng inokupahang teritoryo ng mga Hapon na DutchEast Indies.
Ang Dutch Easr Indies ay Indonesia na sa kasalukuyan. Naagaw ng mga Hapon ang islang Morotai sa isang labanan noong Setyembre ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y KUWATRO (1944). Sa pag-aakalang nasama na sa mga patay si Nakamura, idineklara siya ng Hapon na patay na noong MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y KUWATRO.
Lingid sa kaalaman ng mga Hapon, ito ay nakaligtas at namuhay ito sa isla na kasama ng iba pa hanggang MIL NUEBE SIYENTOS SINGKUWENTA’Y SAIS (1956). Sa taong ito, iniwanan ni Teruo Nakamura ang kanyang mga kasama at siya ay nagkampo nang nag-iisa. Ang dahilan nito ay dahil inakala niya na binabalak ng mga kasama niya na siya’y papatayin.
Nakipagkaibigan si Nakamura sa isang taong tubo ng lugar na iyon at tinawag ng Baicoli. Ito ang malimit noon na nagbibigay sa kanya ng tsa, kape at iba pang kakailanganin para mabuhay. Bago namatay si Baicoli, naghayag siya sa kanyang anak at inihabilin niya na ipagpatuloy ang pagtulong kay Nakamura.