This narrative about Herschel and Edjya appeared at momentmag.com in 2005 as one of the stories of love and survival during the holocaust that were published. Added information from other sources were incorporated in this translated episode.
Itong unang bahagi ng kuwento hinggil sa LUHA, PAGDURUSA, PAG-
IBIG AT PAG-ASA ay ang kasaysayan nina HERSCHEL AT. EDJYA.
Noong unang araw ng Setyembre, MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE (1939), linusob ng mga puwersang Alemanya ang Poland at sa mga sumunod na araw, sunod-sunod ang
pambobombang ginawa ng Alemanya sa lugar. Noong ika DIYES Y SIETE (17) ng buwan na ito, sinalakay naman ng Unyon Sobyet ang Poland sa bandang silangan, at sa pagkakasunduan ng Unyon
Sobyet at sa Nazi na Alemanya, hinati nila ang Poland sa ilalim ng kanilang mga pinag-usapang alituntunin sa isinagawang “Nazi- Soviet Non-Aggression Pact” noong nakaraang ika BEYNTE TRES (23) ng Agosto. Sinakop ng Unyon Sobyet ang Bransk at lahat
ng lugar sa bandang silangan ng Ilog na Bug. Lahat ng mga negosyo ng mga Polako (katutubong taga Poland) at mga Hudyo ay sinamsam ng komunistang estado. Ilang mga Polakong negosyante mula sa Bransk ay pinaslang ng mga Ruso noong MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA (1940).
Nanatili ang mga Sobyet na nag-okupa at nagpalakad sa mga lugar doon hanggang Hunyo ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y UNO (1941) na
siyang panlusob ng mga Nazi sa dati nilang mga kapanalig na mga Sobyet.
Tumutubong kabataan noon si Herschel Lipa na tubo ng bayan ng Bransk sa Poland noong MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE (1939) noong nagsimula ang mga hindi inaasahang mga pangyayari at nagdatingan ang mga dayuhan. Ang kanyang kinapanganakan ay bahagi ng probinsiya ng Podlaskie Volvodeship sa Silangang bahagi ng Poland.
Noong MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y DOS (1942) dumating ang mga Nazi sa kanilang pook, tinipon nila ang mga mamamayang Hudyo para dalhin sila sa naitakdang pagpapatirhan
sa kanila kasama ang ibang mga Hudyo. Ang mga ‘ghetto’ na naiutos na tirahan nila ay minsan nag-iisang gusali ng paktorya at pinupuno ng mga Nazi ito ng maraming mga pamilya. Sa kasikipan,
minsan hirap na silang gumalaw sa kanilang mga espasyo.
Naipadala si Herschel na magtrabaho sa kampo na ipinatayo ng mga Nazi sa malapit. Nagtrabaho siya doon hanggang ika-diyes (10) ng Nobyembre. Sa araw na ito, napag-alaman niya mula sa
kanyang mga kasamahan na ipapalipat sila ng mga Nazi. Sa kanyang nalamang iyon, nagkaroon ng pangamba si Herschel.
Marami na noon ang mga masasamang mga balitang kanyang nauulinigan tungkol sa mga nangyayari sa mga Hudyo sa kamay ng mga militar na Nazi at mga pinuno nila.
Sa araw na iyon, habang pinapasakay ng mga Nazi ang mga natipon na mga mamamayang Hudyo sa mga karitela na hinihila ng mga kabayo, pinunit ni Herschel na inalis ang dilaw na bituin na
tsapa sa kanyang kuwintas. Ang markang ito ay marka ng ‘Bituin ni David’ at naiguhit sa maitim at makapal na tinta.
Ipinalakad noon ng mga otoridad na Nazi na ipasuot sa mga Hudyo ang marka na
ito bilang tanda ng kanila lahi. Ang pakay ng mga Nazi ay kutyain sila at minarkahan sila para kaagad silang makilalang Hudyo at madali silang iproseso sa deportasyon nila sa mga kampo ng konsentrasyon at eksterminasyon.
Pagkaalis ni Herschel sa marka na iyon, symynggab siya ng hagupit mula sa naabot niyang trak at nagkunwari siyang isa sa mga drayber. Sa kabutihang palad, nasuwertehan niya na walang
nakapansin sa kanyang pag-punit ng marka mula sa dibdib ng kanyang kasuotan.
Listen to the podcast for the full story.